Paghihintay

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 1 Vote )

 

By Junfil Olarte

(Originally written by the Author in May 1996 as lyrics for a musical composition.)

 

 

 

Narito ako sa buhay kong bigo

At kung bakit may mga bagay

Na kay hirap ipaliwanag sa aking sarili.

 

Pagdaramdam, pagsisi, poot, kabiguan

Ito ba’y mga pagsubok o kaya’y

Isang tadhana na kay hirap alamin.

 

Nasaan ka na kaya ngayon?

Naghihintay ako

Masakit mang isipin na wala ka na

Ngunit naniniwala sa muli mong pagdating.

 

At kung naririnig man ako ng Diyos ngayon

Tulungan ninyo ako na maibalik ang kahapon

Maghihintay ako kalian man.

 

Comments

Name *
Code   
Submit Comment