Mga Bakas sa Buhangin

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 5 Votes )

Mga Bakas sa Buhangin

(Tagalog version of "Footprints in the Sand")
Orihinal na katha ni Don AllanDinio

Isang gabi ako’y nangarap na naglalakad
sa baybayin ng dagat kasama ko iyong
aking best pren, isang tunay na matalik na Kaibigan.

Sa dakong talampasigan, nakita ko ang
aking buhay na parang bang nasa isang
sinehan. Sa isang yugto na aking buhay nakita
ko iyong dalawang pares na bakas sa buhangin.
Iyong isa ay iyong aking mamahalin na Nike at
iyon naman isa ay iyong bakas ng aking best pren
na walang sapatos o chinelas man lang.

Doon sa katapusan ng eksena ng aking buhay,
sa aking paglalakad, napansin ko na iyong bakas
ay isang pares na lang na naiwan sa buhangin.

Dito din sa pinaka mahirap at malungkot na
bahagi ng aking buhay na nawala iyong bakas
ng aking matalik na Kaibigan at mukhang wala
na sa aking tabi o kapaligiran.

Tumaas ang aking prisyon at ako’y nagwala at nagalit.
Ito ang tanong ko at hinanakit ko sa kanya...

Sabi mo sa akin...”Ikaw ay matalk kong kaibigan, best pren pa kamo,
at tunay na mapagkakatiwalaan.”

Sabi mo...”Hindi mo ako pababayaan at hindi tatalikuran
pagdating sa kahirapan at problema sa buhay!”

“Bakit ka nawala sa aking buhay, lalu nang ako ay nalito
at nahihirapan sa aking buhay!”

Biglang kumulog at narinig ko iyong boses na di ko malimot
na hanggang ngayon na ako’y gising na at nagsabi....

”Bugoy, iyong isang pares na bakas sa buhangin ay akin at hindi iyo!
Isunuot ko iyong sapatos na Nike mo, kasi gusto ko lang subukan
kung papaano o kung ano ang pakiramdam dahil lumaki ako ng
wala nito...kahit kaya kong magmilagro!

Alam ko din na iyong pares na Nike ay mahalaga sa iyo at mas
mahal mo sa buhay kaysa sa mga magulang mo, pamilya at mga
kaibigan na nagmamahal sa iyo.

Bugoy, hindi kita pababayaan, Ako ang tunay mong Kaibigan...
tunay na Best Pren...huwag kang mawalan ng tiwala sa Akin, kaibigan!”

Nawala ako sa iyong paningin dahil ikaw ay nahilo at sobrang nalito
sa buhay dito sa mundo. Ika’y inakay at binuhat ko habang ikaw ay
nawala sa sarili mo dahil sa kahirapan at mga problema mo.
Sa panahon ng nakita mo lang ay isang pares na bakas sa buhangin...
daladala kita sa aking likuran at buhat-buhat ko!

Pahabol...isa pa...iyong Nike na sapatos mo ay ibinalik ko, kaya huwag mong
sabihin na inarbor ko! Iyong cellphone mo, may isang long distance
call...tinawag ko iyong Ama ko!

Kung kailangan mo Ako, paki-text mo lang ako!
Kung wala kang load, magdasal-dasal ka na lang muna!"

Comments

Name *
Code   
Submit Comment