Sino si Ikaw? Sino si Ako?

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 4 Votes )

Sino si Ikaw? Sino si Ako?

 

Katha ni Don Allan Dinio

 

Ikaw pa rin ang batang lumakisa kalsada at nakikain sa mga kapitbahay mo!

Ako pa rin iyongkababata na natutong nagsigarilyoat uminom noong huling

naglarotayo ng taguan sa ilalim ng bahayninyo!

 

Ikaw pa rin ang bidang anakna ipinagmamalaki ng Nanay at Tataymo;

ikaw ang "hero" ng mga utol modahil sila ay pinapagaaral mo sa mgapadala

mong sustento sa bawa't katapusan ng buwan bahagi ng iyongsakripisyo.

Ako pa rin ay di nagbago, puera na lang, may puntong English iyong

 

Tagalog ko, ipagpaumanhin lang ninyo.

 

Ikaw pa rin ang mabait na kaibigan at dating kumpare ng mga iniwan mo...

palagi iyong pasalubong pag-uwi mo sa Bayang Sinilangan, sangkaterba

at sobrang laki ng Balikbayan box na taglay mo, mga regalo doon sa

mga barkada,utol, chicks, pinsan at mga pinagkautangan mo.

 

Ikaw pa rin at ako pa rin, iyong umaalis at bumabalik sa airport

 

na kulang na lang na hubaran ng relos at kuwintas, t-shirt at

medyas, jacket o backpack, naibigay lahat at inarbor ng mga

kamag-anak.  May baon na suman para sa iyong snack at

perang hiniram pangbayad ng Terminal tax.

 

 

Munting huling sampung piso binigay mo doon sa attendant

doon sa paggamit ng CR sa airport. Masaya ka pa rin,

alam mo na ikaw ay nakatulong sa maraming kaibigan at mahal

sa buhay na natuwa sa 'yo dahil Ikaw at Ako...ay binalikan

ang ating anino, ating kahapon at ang ating pagka-Pilipino!

 

"Balikbayan" ang tawag nila sa akin at sa iyo!

Comments

avatar ANG PANET NINYO !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
0
 
 
ang panget!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
Name *
Code   
Submit Comment