Ang Pinakamagandang Bulaklak

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 36 Votes )
    Ang Pinakamagandang Bulaklak        
By Virginia F

Sa 'sang  parke ako dinala ng aking mga paa
at sa kahoy na bangko minabuti kong magpahinga
itong  mabigat kong loob pagagaangin ko muna
sa preskong simoy nitong hangin at tanawing kay ganda.

At sa 'king taimtim na sandali ng pananahimik
isang bata ang sa aki'y bigla na lamang lumapit
himihingal pa sa pagtakbo at kamay ay may bitbit
isang munting bulaklak na nawalan na ng pang-akit.

Bakas sa munting bata ang maaliwalas na mukha
walang pagod sa paglalaro tulad ng ilang bata
subalit ang bulaklak na hawak n'ya ganda ay wala
mistula na lamang ay pinagtampuhan ng tadhana.

Sa halip na umalis at bumalik sa paglalaro
inamoy ang bulaklak at sa tabi ko ay umupo
at saka n'ya winikang  "ito ay para sa iyo po"
sabay inabot ang bulaklak na lanta na at tuyo.

Nagdalawang loob akong kung tatanggapin o hindi
sa inasal ng bata parang 'di ako makatanggi
'sang ngiting pakunwari ang siya kong naging sukli
sa magandang loob na sa akin ay kanyang ginawi.

Naglaho na nga ang kulay ng hawak niyang bulaklak
dahang-dahang inabot sa akin ng munti n'yang palad
minabuti kong tanggapin para umalis na agad
at nang mapag-isa na lang ako na siya kong hangad.

Malayo pa sa kamay ko nang ito'y kanyang bitawan
ang hawak na bulaklak na sa akin ay inaalay
nahulog sa lupa na hindi niya namamalayan
nuon ko natanto mata pala niya'y walang linaw.

Aking dinampot sa lupa ang bulaklak na nahulog
inilapit ko sa ilong ko at inamoy, sininghot
at ang natitirang bango ay akin paring sinimot
salamat sa  bata at siya ay umalis, tumalikod.

Heto, ako pala itong bulag sa katotohanan
sa nangyayari sa paligid na mga simpleng bagay
sa aking pagkakaupo bata'y muli kong natanaw
may bulaklak na muli para sa isa pang nilalang.


















Comments

avatar virginia
0
 
 
It would be much better if my name appears with the poem because I was the one who wrote this. My name is Virginia F.
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
avatar Admin
0
 
 
sorry, it has been updated
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
avatar virginia ferrer
0
 
 
hi, it's me Virginia F, the author and I want to know whether I can send another poem, and how do I do it, do I just type it here like I'm sending this question? thanks
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
avatar Admin
0
 
 
Please open the address http://www.inspirational-p oems.net/component/user/register#content after registration you will be able to post poems in your desired section
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
avatar casie atienza
0
 
 
hi,
nabasa ko ang tula mo, nasabi ko marunong ka,
sa paghabi at pagsulat ng tulaing magaganda,
akong ito'y humahanga, nagtatanong kung pwede ba,
maging isang kaibigan, kahit pobre't walang pera.
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
avatar virginia
0
 
 
salamat naman casie at iyong nagustuhan
tulang isinulat para sa mga kaibigan
tulad mo rin ako na isang pobreng nilalang
sa pagsusulat ng tula ako'y nalilibang
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
avatar casie atienza
0
 
 
hi, virginia
palagi kong binubuksan mga tula na nandito,
lalo nna yong mga katha ng tulad mong isang henyo,
at ako nga ay natuwa, nabasa ko ang comment mo,
kaya ako'y gagawa din ng tula ko para sa 'yo.
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
Name *
Code   
Submit Comment