Sina Gin, Kinse Anyos, Problema at Musika

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 1 Vote )


Sina Gin, Beer, Kinse Anyos,
Problema at Musika
(mga dati kong barkada)

Nanginginig ang aking laman,
dibdib ko'y nagsisikip,
paningin ko'y nagdidilim,
nang si Problema'y nagmamagaling.

Tinawag ko ang mga barkada kong
sina "Beer" at ang dalawangpu't
apat na miembro ay isa-isa naman
silang nagsidating. Iyong bunso sa
aming barkada, Kinse Anyos lang siya!

Kinamayan ko ang bawat isa at
sobra-sobra din naman silang makisama.
Si Problema'y nanahimik, natakot at
nahiya yata sa aking mga barkada.

Ginawa ko'y tinawag ko pa sina
"Gin", "Anejo", at "Musika",
upang sila'y magkikilala at maraming
makasama. Inakbayan kong matalik
lahat sila at kami'y masayang
nagkasama-sama.

Sa lakas ni Musika, ang tuktok ng
isip ko'y napasok niya.
Iyong bunsong barkada na-"curfew"
sa mga magulang niya.
Sina beer naman ay nagkuwentuhan
na walang kuenta.
Si Problema ay biglang naglaho at
di na nagpadama.

Alas tres na ng madaling araw nang
lumisan si Musika, dahil ako'y antok
na antok na at natulog na lamang
kapiling ang dalawampu't apat ng
Barkadang Botelya.

Sa aking pagising, ako'y nabigla
nang makita ko na ako'y nag-iisa
na lang pala. Sina Gin, Anejo at ang
mga matalik kong dalawampu't
apat na barkada ay mga naglahong
bula na lamang sa mesa na
nagka-tumba tumba.

Sa aking pagtayo, ay may isang tapat
na kaibigan na umakbay sa akin -
ang tapat kong kasama.....walang iba
kundi si dakilang Problema.
Ako ay kanyang inakbayan patungo
sa aking tulugan na walang hininga.

Sa akala ko'y panaginip at mga
guni-guni ko lang ang mga ito, ngunit
nang makita ko ang aking mga kapatid,
mga anak at asawa, mga kaibigan,
kamag-anak at mga kababata, na
sampung taon na di ko nakikita -
na nagpapaalam sa akin, umiiyak at
lumuluha.

Ako'y di mapakali nguni't hindi
makakilos at makapag habilin,
upang sabihin sa kanila -
"Kayo'y umiwas sa aking mga
barkada, lalu kay Gin, maski na
mayroon kayong mga mabibigat na
problema, o gustohin ninyo lang
magsaya!"

Comments

Name *
Code   
Submit Comment