Magsumikap Ka (Desiderata)

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 12 Votes )

Magsumikap ka... (Desiderata)
katha ni Don Allan Dinio

Sige ka lang sa buhay,
lakasan mo ang loob at
ikaw ay magmatapang!
Makisama ka, ipahiwatig mo
ang iyong damdamin at niloloob,
makinig ka sa mga nagtitiwala
sa iyo at mga kuwento at
drama ng buhay; may matutuhan
sa mga kuwentong ito at ng iba
kahit man sila'y di umabot sa kolehiyo.

Iwasan mo iyong mga mayayabang
at pasikat sa mundo, masisira ang
araw mo at tataas lang ang
presyon mo. Huwag mong ihintulad
ang sarili mo sa ibang tao dahil ikaw
ay malilito dahil palagi at siguradong
may mga matatalino at bobo kaysa
sa iyo. Huwag mong pagaksayahin
ng panahon ito at hindi ka mananalo!

Magpakasasa ka sa mga nagawa mo at
natupad mo sa buhay. Huwag mong
pababayaan at liitin ang sarili mo.
Gawin mo ang mga binabalak at
hinahangad sa buhay. Kapag natupad
mo ang mga ito - katumbas nito ay
bundok na ginto kahit mukang pilak
lang sa ibang mata ng tao.

Magingat ka sa buhay at tandaan
mo na maraming manloloko sa mundo.
Huwag ka lamang mabubulag sa mga ito,
mayroon pa ring mababait na taong
katulad mo at marangal na tao tulad ng
mga patay sa sementeryo!
May mga bayani sa araw-araw di
mulang sila napapanaw!

Iwasan mo ang pagkukunwari. Patulan
mo ang tibok ng puso mo; mahalin
mo iyong mga gusto mo...kahit sino
man ito...babae, lalake, iyong biyanan
mo o iyong may mga utang sa iyo.
Sila ay lalago...dadami at ipapahiwatig
at ibabalik sa ibang tao ang
kabutihan at tulong mo.

Pagtanda mo, makikita mo
ang pagbabago ng sarili mo;
Huwag kang madadala sa mga
kahirapan o mga malas na
madadanas mo. Huwag kang
magpapadala o manghina sa
mga hinagpis at pighati o
kalungkutan sa buhay.

Ang takot sa kinabukasan ay
bunga lamang ng sobrang pagod
at lungkot. Magtiwala ka sa sarilli mo.
Huwag kang magpatalo at labanan mo
ito...at maging mahinhin ka sa sarili mo!
Relax ka lang, hahaba pa ang buhay mo!

Ikaw ay bahagi ng pag-ikot nitong mundo
ginagalawan mo. Sintulad ka ng mga
halaman at mga bituin sa langit. Ikaw
ay bahagi nitong kalikasan...ikaw din ay may
sadyang karapatang mabuhay. Itong gulong
ng buhay ay iikot sa gusto mo man o ayaw!

Magtiwala sa Panginoon at siya ay iyong
magiging numero unong santungan kahit
sino man sa iyong akala o ano
man ang kapaniwalan mo sa kanya.
Magtiwala sa iyong kakayahan at
mga aspirasyon sa buhay at huwag
mawalan ng pagasa sa ano mang
pagsubok at kahirapan.

Sampu ng kahirapan at kahinaan, pagsubok
at pasakit, at di matupad na pangarap...
lagi mong tandaan na ang mundo ay
isang likas ng kagandahan. Gintong aral
ay ipalagi mo sa iyong isipan!

Mag-ingat ka kaibigan at pilitin mong maging masaya!



Read more: http://forums.mukamo.com/members-contribution/21004-mga-katha-guni-guni-mula-sa-bula.html#ixzz1C1CtSXyg

Comments

Name *
Code   
Submit Comment