Sampung Tanong ng Diyos

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 15 Votes )

Sampung Tanong ng Diyos

ni

Virginia H. Ferrer


Hindi kailanman itatanong ng Diyos sa iyo
kung ilan bang lahat ang mga naging kaibigan mo
ang mahalaga sa Kanya ay kung ilan sa kanila
ang nagturing na ikaw ay kaibigan kang talaga.

Hindi itatanong ng Diyos ang ilan ang 'yong kotse
at kung paano mo nakaya na ito ay mabili
ang nanaisin niyang malaman ay ilang bang tao
na walang pamasahe ang naisakay sa kotse mo.


Hindi itatanong ng Diyos ang laki ang 'yong bahay
kung gaano ito kaganda at gaano katibay
ang mahalaga sa Kanya ay ilan ba sa kanila
ang iyong pinatuloy ng buong pagpapahalaga.


Hindi itatanong ng Diyos kung ilan ang damit mo
at kung saan-saan mo isinuot ang mga ito
ang itatanong Niya sa 'yo pagdating ng panahon
ilan nga ba sa kanila ang dinamitan mo nuon.


Hindi itatanong ng Diyos ang laki ng 'yong sahod
kung gaano kataas na ang puwesto mong naabot
kung ikaw ay naging tapat gusto Niyang malaman
sa mga kasamahan at sa kompanyang pinasukan.


Hindi itatanong ng Diyos ano'ng iyong titulo
at kung sino-sinong tao ang nakahalobilo mo
ang kanyang itatanong ay kung naging totoo ka ba
sa mga taong nangangailangan ng 'yong kalinga.


Hindi itatanong ng Diyos kung saan ka tumira
kung mayaman o mahirap ba ang iyong mga kasama
gusto Niyang malaman mabuti ka bang kapitbahay
sa mga nangangailangan ikaw ba ay nagbigay.


Hindi itatanong ng Diyos ang kulay ng 'yong balat
kung ano ang lahi mo at saang lugar ka nagbuhat
ang itatanong Niya ay ano ang nasa loob mo
at ang tunay na uri ng iyong buong pagkatao.


Hindi itatanong ng Diyos bakit nga ba tumagal
ang pagtawag mo sa Kanya at ngayo'y nangungumpisal
duon sa kalangitan masaya ka N'yang aakayin
at hindi duon sa lugar na mainit at madilim.


Hindi itatanong ng Diyos kung kanino mo sinabi
at sinu-sino ang nakabasa na nitong mensahe
huwag kang nang mag-alala dahil sa alam na Niya
sa halip ay matuwa ka dahil nakatulong ka pa.

Comments

avatar redrose
+1
 
 
how do I email inspirational poem office?

-Admin
Please contact by emailing poems@inspitational-p oems.net or leave a message at our facebook page

Thanks
-Admin
Name *
Code   
ChronoComments by Joomla Professional Solutions
Submit Comment
Cancel
Name *
Code   
Submit Comment