Kung Patay na ang Kabayo
Written by Don Allan Dinio
Filipino Poems
( 5 Votes )"Kung patay na ang kabayo..."
Katha ni Don Allan Dinio
Aanhin mo ang damo, kung patay na ang kabayo...
isang mahiwagang salawikain sa atin na kung
titimbangin ay nakikita araw-araw sa buhay natin.
Sayang na damo...itapon mo na lang sa kabilang
ibayo. Nakakahiya sa ibang tao!
Tulad ng salawikain na ito...marami sa atin
na hindi nila ipinahahayag o nilalabas ang kanilang
damdamin sa kanilang mga mahal sa buhay. Kung
minsan naman walang pahanon sa kanilang mahal
sa buhay kahit makipagkuentuhan man lang,
magbisita sa kanila lalu na kung may sakit o
may dinaramdam; nalulungkot at nagiisa sa buhay.
Totoo. Napakalungkot isipin.
Kung minsan dala na kaguluhan sa buhay
nalilimutan natin na ipahiwatig sa ating mahal
sa buhay na sila ay malapit pa rin sa ating puso
at hindi nalilimutan.
Nanyayari tuloy kapag itong mahal sa buhay
ay binawasan ng buhay, mga mahal niya sa buhay
ay sobrang nagiiyakan, hinihimatay at mistulang
napapatunga-nga sa biglang paglipas ng kanilang
mahal sa buhay. Kung talagang mahal mo sila sa
buhay bakit di ka makahanap ng panahon o oras
man lang para sila'y makasama noong sila ay
buhay pa. Bakit hindi ka makadalaw habang
sila'y maysakit, nakaratay at naghihintay
sa kanilang huling hininga sa buhay.
Bakit ka ngayon nahihimatay? Patay na iyong
mahal mo sa buhay! Lahat na iyak o luha - isang
baldi man...hindi na mabubuhay at malalaman na
iyong yumaong mahal sa buhay.
Hindi na niya malalaman na ikaw pala ay iyakin
pero noong siya ay buhay pa ni animo mo hindi
mo ipinakita sa yumaong iniiyakan.
Pagbabalatkayo di mo maiwasan!
Sus, ang laking koronang bulaklak na binili mo
para sa iyong yumao sa buhay upang makita ng mga
nakikiramay...pero huli na ang lahat, hindi na niya ito
maamoy o makikita man dahil siya
ay malamig na bankay na!
Nasaan ka noong siya ay nabubuhay, nagiisa,
nalulungkot at may karamdaman. Mabuti na lamang
iyong kanyang kapit bahay ay may oras magbisita
at naalala siya bago lumubog ang araw.
Itong mga huling araw na siya ay nagaagaw-buhay,
pangalan mo ay nabanggit niya at pinatawag ka.
Sagot mo sa kanya...marami kang inaasikaso at
papasyalan mo siya...sakana lamang. Huli na 'tol!
Tigilan mo na lang iyong pagiyak mo at pagluha mo.
Sabi mo wala kang panahon noong ako'y nabubuhay
bakit ngayong malamig na bangkay nalang ako,
nakakita ka ng panahon. Bakit? Upang ipakita sa mga
tao na ikaw ay nagmamalasakit sa akin.
Kay sakit na biro naman!
Tandaan mo, pakitang tao ay tulad na berdeng
damo na inaalay doon sa patay na kabayo!
Sayang na damo...itapon mo na lang
sa kabilang ibayo...nakakahiya sa ibang tao!
Comments