Dalawang Araw ng Linggo
Written by Don Allan Dinio
Filipino Poems
( 5 Votes )Katha ni Don Allan Dinio
May dalawang araw ng Linggo na hindi tayo
dapat magalala o mabakabag; dalawang
araw ng Linggo na dapat tayong mapalagay
ang loob. Isa sa mga ito ay KAHAPON,
kasama ng mga pagkakamali mo, mga
kahirapan, lungkot at pighaati sa buhay.
KAHAPON ay nakaraan na at ito'y nakalipas
na at bahagi nalang ng iyong buhay. Lahat ng
kayamanan sa mundo hindi maibabalik ang
KAHAPON. Lumuha ka man ng maghapon...
hahaba lang ang iyong mukha. Ito'y nakaraos
na at wala ka nang magagawa.
Hindi mo puedeng ituwid ang mga pagkakamali
mo KAHAPON...puede ngayon! Hindi mo mababawi
iyong mga salitang hindi maganda na binitawan mo
KAHAPON...puede ngayon. Hindi mo puedeng ituwid
ang mga baluktot mong katwiran...puede ngayon!
Iyong KAHAPON 'tol... kalimutan mo na,
nakaraan na iyon.
Iyong ikalawang araw ng Linggo ay BUKAS.
Hindi mo nasisigurado kung ano ang dadating
sa iyo; kung anong kasakitan na madarama mo;
anong malas ang dadapo sa iyo o anong
pagkakamali na magagawa mo na habang buhay
mong pagsisihan. Hindi natin mapipigil o harangin
ang pagdating ng BUKAS.
Ang BUKAS tulad ng KAHAPON wala tayong
magagawa dahil pagsikat ng araw...BUKAS
ay nariyan na. Bago tumilaok ang mga manok...
BUKAS ay katabi mo na. Isang bahagi ng buhay
mo ay nakalipas na. Mangarap ka't magising...
iyong KAHAPON ay lumisan na at ang BUKAS
ay ginising ka!
Pagisipan mo ito. Ang natitira na lang sa iyo
ay NGAYON...ang pangkasalukuyan.
Mantakin mong isipin...ang NGAYON kaya mong
labanan kung ano man ang makaharap mo.
Samantalahin dahil dito ka lang mananalo.
Gawin mo ang sigaw ng isip mo at tibok ng puso.
Itong NGAYON nasa pagitan ng dalawang kalaban
mo habang buhay...ang BUKAS at KAHAPON.
Ang NGAYON ay kakampi mo...ipakita mo lahat
ng kakayahan mo at kabutihan mo sa kanya.
Wala kang pagsisihan BUKAS at pag dating
ng KAHAPON...kung ano man ang ginawa at
natupad NGAYON...saya at tagumpay ang
katummbas! Mailigligtas ka ng NGAYON sa
anumang kapahamakan ng iyong kinabukasan.
Comments