Bakit Ka Nagbago

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 9 Votes )

 

Bakit ka nagbago?
Katha ni Don Allan Dinio


Kay ganda at kay sarap ng ating
pagsasama noong tayo'y mga bata pa.
Naglalakad patungo sa paaralan umulan
o umaraw man, kasama kita.
Hawak-hawak mo ang kamay ko para hindi
ako mawala sa pananaw mo. Pinapayungan
mo ako kapag mainit ang sikat ng araw
at inaalay mo ang iyong kapote
kapag umuulan.

Hindi ko malimot iyong mga
payo mo sa akin noong ako ay
naligaw sa mundo sa aking kabataan.
Tinulungan mo ako sa aking
pagaaral at binigyan mo ako ng
pagasa sa buhay sa pamamagitan
ng pag-petisyon mo sa akin sa
ibayong bansa upang umunlad at
magbagong buhay.

Ang akala ko ikaw ang aking tanging
modelo sa mga kapatid ko dahil sa
mga tulong mo. Kay sakit naman ng
mga ginawa mo kamakailan. Hindi maisip
kung ano ang pumasok sa ulo mo.
Matalino ka pa naman ngunit ang
talinong ito hindi mo ginamit para
sa kabutihan sa halip ay ginamit
mo para makamtan ang maramot at
iyong maitim na pakay. Kay saklap
at kay sakit naman! Bakit ka nagbago?

Sa aking pananaw, pagisip-isip at
pakiramdam ikaw ay nasilaw at nabulag
sa kulay salapi at kamunduhan. Sana'y
ikaw matauhan muli at utak mo ay
malinawagan! Bakit ka nagbago?

Bakit kami luluhod sa iyo makamtan
lang ang tulong mo at masundan
ang gustohin mo? Hindi mo kami alipin!
Kami'y hindi mga pulubi...kami'y mga
kapatid mo. Nakalimutan mo na yata ang
pinanggalingan mo. Ikaw, ako at mga
kapatid natin sa banig natulog at lumaki!
Bakit ka nagbago?

Ano nga ba ang nangyari sa iyo at
lahat kami ay hindi ka maintindihan!
Bakit bigla kang nagbago? Bakit ka namin
sisilbihan sa iyong kaprisyo at isa-santo?
Marami na tayong mga santo-santito at
mga rebulto sa simbahan at sementeryo!

Payo na ating mga magulang..."Ang yaman
ng pagmamahal sa pamilya ay siya dapat
baunin sa huling hantungan natin!"
Sana na lamang ikaw ay magbago ng isip
kung ano ang gustong mong baunin pag
libing namin sa iyo sa sementeryo.

Huling tanong ko.....
"Bakit ka nga ba nagbago?"


Comments

Name *
Code   
Submit Comment