Ang Pamana

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 17 Votes )

Ang Pamana

Karapat-dapat ka ba naming igalang
kaming lahat na  ‘yong mga kaibigan
maging sila na iyong mga kritiko
may paghanga ba kaya sila sa iyo?

Sa tuktok ng iyong aning katanyagan
naging mapagkumbaba rin kaya ikaw,
at sa mga panahon ng  pagkatalo
masaya ka ba ng tinanggap mo ito?

Katulad nitong isang musmos na bata
sa ganda ng mundo ikaw ay  namangha
sa nangyayaring munting kababalaghan
milagro itong hindi makalimutan.

Lagi kang sasagi sa aming isipan
sa tuwing may malakas kaming  tawanan
na nagdudulot ng saya sa ‘ming lahat
at tuwa sa mga puso na  may sugat.

Naging masaya ba sina Toto’t Nene
lahat ba sila ay pawang nakangiti
tiyan ni lola sumakit sa pagtawa
tiyak  lagi ka nilang maaalala.

Tikom pa rin ba ngayon ang iyong bibig
sa mga sikretong ito’y nakapinid
malaki ang tiwala nila sa iyo
kaya sana ay pakaiingatan mo.

Napatawad mo na rin ba silang lahat
sa mga nagawang hindi nararapat
ang paumanhin ba ay iyong hiningi
sa ilang kapusukan na pawang mali.

Binigyan mo ba ng tubig at tinapay
yaong  mga pulubing gutom at uhaw
pati na mga hubad nating kapatid
pag-asang bigay may kasama bang damit?

Nag-iwan ba ikaw ng magandang tatak
ng ang mundong ito’y hindi maging hamak
at sa mga susunod na henerasyon
ang mundong ito ay maging inspirasyon.

Comments

Name *
Code   
Submit Comment