Balat Kayumanggi

Attention: open in a new window. E-mail

Filipino Poems

( 11 Votes )

Balat ko'y kulay kayumanggi
ano ba ito sa 'yo at ano nga ba
ang pagkaiba ko?
"Are you from the Philippines?"
- madalas na tanong nila sa akin;
sagot ko..."I am from Honolulu!"
Sa hindi ko kinahihiya iyong kulay
ng balat ko, gusto ko lang silang
lokohin dahil tanong nila ay
misteryoso at "discriminatory" ang
tawag nila dito!

Ano ang pagkaiba kung sabihin kong
ako ay Filipino dahil balat ko'y
kayumanggi at ilong ko'y pango,
pero kapag ako'y taga Honolulu...
iba ang thema ang pasok ng iba;
iba ang trato nila.

Hindi ako nahihiyang sabihin na
ako'y Pinoy; pero ipaglalaban ko
na tayo'y para-pareho pagdating
sa pagkatao! Kayumanggi, itim,
pula, dilaw o berde...iisa lang tayo...
kapwa tao!

Iyong karapatan mo ay karapatan
ko din; kung kaya mong gawin,
ganoon din sa akin. Kung kaya
mong abutin, naroon na rin ako
sa likod mo. Kung kaya mong
sabihin, kaya ko din.
May "Human Rights" ka kamo;
naroon na rin ako!

Balat ko'y kayumanggi, natural na
"sun tan" di kayang sunugin ng init
ng araw at mga pagsubok sa buhay
kahit saan sulok ng mundo napunta
man ako!

Ako'y balat kayumanggi,
ito ay dapat kong ipagmalaki!
Ako'y Pinoy...may reklamo?

Read more: http://forums.mukamo.com/members-contribution/21004-mga-katha-guni-guni-mula-sa-bula.html#ixzz1kcP9I58H

Comments

Name *
Code   
Submit Comment